131 pamilyang nasunugan sa QC, nabigyan ng ayuda

By Angellic Jordan December 29, 2020 - 03:05 PM

QC government photo

Naayudahan ang mahigit 100 pamilyang naapektuhan ng sumiklab na sunog sa Quezon City.

Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa 131 pamilya sa bahagi ng Barangay Sto. Domingo.

Nakatanggap ng P10,000 ang mga may-ari ng bahay habang P5,000 naman ang mga nangungupahan.

Nagpaalala naman ang QC government na maging maingat sa mga gamit na maaaring pagmulan ng sunog.

QC government photo

TAGS: Financial Assistance, Inquirer News, Mayor Joy Belmonte, QC government, Radyo Inquirer news, Financial Assistance, Inquirer News, Mayor Joy Belmonte, QC government, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.