NCR at ilang lalawigan sa Luzon, makararanas ng pag-ulan

Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 1:37 ng hapon, katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan ang iiral sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Pampanga at Bulacan.

Ayon sa weather bureau, iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

Read more...