Pamahalaan nagpatupad ng travel ban sa 20 mga bansa na may bagong variant ng COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo December 29, 2020 - 12:17 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Pinalawig pa ng pamahalaan ang travel ban sa iba pang mga bansa na apektado na din ng bagong variant ng COVID-19.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque, maliban sa United Kingdom, sasakupin na din ng ban ay iba pang mga bansa na mayroong bagong variant ng coronavirus.

Inihayag ito ni Health Secretary Francisco Duque III sa isinagawang inspeksyon sa Ninoy Aquino International Aiport terminals ngayong araw (Dec. 29).

Sinabi naman ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na ang mga bansang sasakupin ng travel ban ay inirekomenda ng DOH sa Office of the President.

Exempted sa ban ang mga umuuwing Overseas Filipino Workers pero kailangan nilang sumailalim sa striktong 14 day quarantine pagdating sa bansa.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, duque, Health, Inquirer News, MGCQ, new variant of COVID 19, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, travel ban, Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, duque, Health, Inquirer News, MGCQ, new variant of COVID 19, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, travel ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.