Sen. Go: Bayanihan 3 pinag-aaralan na dahil sa bagong COVID 19 strains

By Jan Escosio December 29, 2020 - 11:46 AM

Photo credit: Sen. Bong Go

Sinabi ni Senator Christopher Go pinag-aaralan na ng ilang mambabatas at finance managers ang pagsusulong ng Bayanihan 3 bunga ng nadiskubreng bagong strains ng COVID 19.

Dagdag pa ni Go, ang pinag-aaralan Bayanihan 3 ay ang paghuhugutan ng pangtulong sa mga nawalan ng trabaho at sa mga nagsi-uwian ng probinsiya para makapagsimula ng panibagong kabuhayan.

“Kung may pera po, possible ‘yan (Bayanihan 3). Kakausapin ko si Secretary Dominguez… kung talagang hirap tayo ngayong darating na taon, kung mayro’n pong posibilidad… kakausapin ko pa po na sana po’y magkaroon tayo ng Bayanihan 3,” ayon sa senador.

Dagdag pa nito, kakausapin niya si Pangulong Duterte para sa posibleng pagsusulong ng Bayanihan 3

“Kung saka-sakali, kakausapin ko rin po si Pangulo, kung mayro’n naman silang pagkukunan, siguro sa mga susunod na buwan ay maaaring pag-aaralan po na magkaroon tayo ng Bayanihan 3,” sabi pa ni Go.

 

 

TAGS: Bayanihan 3, bong go, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bayanihan 3, bong go, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.