Binanggit ni Drilon ang RA 9711 o ang FDA Law na nagsasabing bawal ang paggawa, pag-angkat, pagbenta, pag-aalok, distribusyon, promosyon ng mga produktong pangkalusugan na hindi hindi rehistrado sa FDA.
Nakasaad din sa batas aniya na kinakailangan detalyado sa aplikasyon para sa pagpapa-rehistro ng anuman produktong pangkalusugan ang isinagawang imbestigasyon para patunayan na ito ay ligtas at de kalidad.
Pagdidiin ni Drilon, malinaw na paglabag sa FDA Circular No. 2020 – 036 na may titulong “Guidelines on the Issuance of Emergency Use Authorization for Drugs and Vaccines for COVID 19” ang ginawang pagpapabakuna ng ilang miyembro ng gabinete at mga sundalo.
Nilinaw na ng FDA na hindi pa ito nagpapalabas ng Emergency Use Authorization sa anuman bakuna kontra COVID 19.
Aniya ang pagpapabakuna ng mga opisyal at sundalo ay pagpapakita ng maling ehemplo dahil sa pagbalewala sa regulasyon ng FDA.