Ilegal ang pagtuturok ng ‘unauthorized’ COVID 19 vaccines – Sen. Frank Drilon

By Jan Escosio December 29, 2020 - 11:28 AM

Sinang-ayunan ni Senate Minority Leader Frank Drilon ang posisyon ng Food and Drug Administration (FDA) na ilegal ang distribusyon at pagtuturok ng Sinopharm COVID 19 vaccines kung walang permiso mula sa ahensiya.

Binanggit ni Drilon ang RA 9711 o ang FDA Law na nagsasabing bawal ang paggawa, pag-angkat, pagbenta, pag-aalok, distribusyon, promosyon ng mga produktong pangkalusugan na hindi hindi rehistrado sa FDA.

Nakasaad din sa batas aniya na kinakailangan detalyado sa aplikasyon para sa pagpapa-rehistro ng anuman produktong pangkalusugan ang isinagawang imbestigasyon para patunayan na ito ay ligtas at de kalidad.

Pagdidiin ni Drilon, malinaw na paglabag sa FDA Circular No. 2020 – 036 na may titulong “Guidelines on the Issuance of Emergency Use Authorization for Drugs and Vaccines for COVID 19” ang ginawang pagpapabakuna ng ilang miyembro ng gabinete at mga sundalo.

Nilinaw na ng FDA na hindi pa ito nagpapalabas ng Emergency Use Authorization sa anuman bakuna kontra COVID 19.

Aniya ang pagpapabakuna ng mga opisyal at sundalo ay pagpapakita ng maling ehemplo dahil sa pagbalewala sa regulasyon ng FDA.

 

 

 

TAGS: 4FDA, Breaking News in the Philippines, covid 19 vaccine, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, senator drilon, Tagalog breaking news, tagalog news website, unregistered, 4FDA, Breaking News in the Philippines, covid 19 vaccine, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, senator drilon, Tagalog breaking news, tagalog news website, unregistered

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.