Bawal ang anumang uri ng paputok at at pyrotechnic devices sa Caloocan City

By Dona Dominguez-Cargullo December 29, 2020 - 11:20 AM

Bawal na ang paggamit ng anumang paputok at pyrotechnic devices sa Metro Manila na kasalukuyang nasa ilalim ng General Community Quarantine, kabilang na ang lungsod ng Caloocan.

Ito ay batay sa inilabas na Resolution No. 20-17 series of 2020 ng Metro Manila Council, na kinabibilangan ng lahat ng alkalde sa National Capital Region.

Nakasaad sa resolusyon na layunin nitong maiwasan ang mass gathering at iba pang paglabag sa COVID-19 protocols na maaaring idulot ng pagpapaputok sa pagsalubong sa taong 2021.

Apela ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa publiko, sa pagsalubong sa Bagong Taon ay unahing isipin ang kaligtasan ng pamilya at sarili.

“Sa pagsalubong natin sa Bagong Taon, unahin nating isipin ang kaligtasan ng ating pamilya at sarili. Sa pagbabawal ng pagpapaputok, matitiyak natin na maiiwasan ang firework-related injuries at mapipigilan din ang pagkakaroon ng hawahan ng COVID-19,” pahayag ni Mayor Oca Malapitan.

Nakasaad sa resolusyon na ang mga mahuhuling lalabag ay haharapin ang mga parusa na nakapaloob sa Republic Act 7183 at City Ordinance No. 0648 s. 2016 o ang batas hinggil sa paggawa, pagbebenta, distribusyon at paggamit ng mga mga paputok at pailaw.

Gayundin ang paglabag sa Republic Act No. 11332 o Mandatory Reporting Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Ayon kay Mayor Oca, magbababa ng memorandum ang Pamahalaang Lungsod sa 188 mga barangay sa Caloocan hinggil sa bagong kautusan, upang matiyak na mahigpit itong maipatutupad.

Ipinag-utos niya rin sa Caloocan Police na tiyaking mahigpit na maipatutupad ang kautusan kasabay ang peace and order.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 2021, Breaking News in the Philippines, caloocan city, COVID-19, department of health, Firecrackers, Health, Inquirer News, New Year, pandemic, Philippine News, public health concern, pyrotechnic, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2021, Breaking News in the Philippines, caloocan city, COVID-19, department of health, Firecrackers, Health, Inquirer News, New Year, pandemic, Philippine News, public health concern, pyrotechnic, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.