Global cases ng COVID-19 mahigit 81.6 million na

Umabot sa mahigit 448,000 pa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.

Batay sa pinakahuling datos araw ng Martes, (Dec. 29) ay 81,622,922 na ang global cases ng COVID-19.

Sa magdamag, mahigit 159,000 ang bagong kaso na naitala sa US.

Sa Brazil nakapagtala ng mahigit 22,000 na bagong kaso sa magdamag.

Mahigit 41,000 naman ang mga bagong kaso na naitala sa UK.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 19,754,723
India – 10,224,797
Brazil – 7,506,890
Russia – 3,078,035
France – 2,562,646
UK – 2,329,730
Turkey – 2,162,775
Italy – 2,056,277
Spain – 1,894,072
Germany – 1,670,194

 

 

 

Read more...