Nasa 600 LSIs nananatili sa Quirino Grandstand, umaasang makauuwi sa Negros Oriental
Mayroong aabot sa 600 na locally stranded individuals o LSIs ang nananatili ngayon sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Ang mga LSI ay pawang umaasang makauuwi sa bayan ng Siaton sa Negros Oriental.
Ayon kay Siaton, Negros Oriental
Mayor Fritz Diaz, para makauwi sa kanilang bayan ay kailangang sumailalim sa COVID-19 antigen test ng mga residente.
Kung magpopositibo sa antigen test ay ipasasailalim agad sa RT-PCR swab test para sa confirmation.
Ang mga LSI ay kinabibilangan ng mga na-stranded matapos ang lockdown habang ang iba ay pawang nawalan ng trabaho sa Metro Manila.
Batay sa plano ng lokal na pamahalaan ng Siaton, isasakay sa walong bus ang mga LSI at ang mga bus ay isasakay naman sa barko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.