WATCH: Rescue operations ng mga otoridad sa dalawang katao na nahulog sa creek sa Orange County, California

By Dona Dominguez-Cargullo December 29, 2020 - 10:22 AM

Nailigtas ng mga otoridad ang dalawang katao na nahulog sa creek sa Santa Ana, Orange County, California.

Sa video na ibinahagi sa Twitter ng Orange County Fire Department, dalawang katao ang sinagip matapos mahulog sa umaagos na tubig.

Gumamit ng raft ang mga rescuer at saka pumailalim sa creek upang mahanap ang dalawang nahulog.

Dahil sa napakalakas ng agos ng tubig, kinailangang lagyan ng tali ang raft upang hindi ito matangay ng mabilis na agos.

Ayon sa pahayag ng mga otoridad ang lalaki at isinailalim sa assessment ng mga paramedics.

Ang babaeng biktima naman ay dinala sa ospital matapos dumaing ng pananakit ng binti.

TAGS: California, Orange County, rescue operations, water rescue, California, Orange County, rescue operations, water rescue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.