Dahil sa nakaambang pagtaas ng singil sa kuryente, Meralco, may payo sa mga consumer

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas March 30, 2016 - 09:35 AM

FB Photo / DOE
FB Photo / DOE

Nagbigay ng mga paalala ang Manila Electric Company o Meralco sa kanilang mga customer upang makatipid sa paggamit ng kuryente dahil sa mga nakaamba nilang dagdag singil sa mga susunod na buwan.

Sa mga madalas umanong gumamit ng electric fan, ugaliing linisin ito nang madalas dahil kumokonsumo ng mataas na kuryente ang mga nakabalot na alikabok sa elesi at makina nito.

Makatitipid din sa pagkonsumo ng kuryente kung ilalagay sa iisang direksyon ang electric fan.DOE Hugot

Makatutulong din ang palagiang paglilinis ng bumbilya o ilaw dahil ang dumi o alikabok ay nakababawas ng liwanag ng hanggang 50 porsyento.

Kung magpa-plantsa, mainam kung maglaaan ng takdang araw sa loob ng isang linggo kung kailan ito gagawin at mainam kung mamamlantsa ng umaga para mas malamig at maliwanag.

Huwag ding hayaang kumapal ng labis sa ¼ na pulgada ang yelo sa freezer ng refrigerator, panatilihin itong malinis at walang sira ang gasket at paligid ng condenser coil nito.

FB Photo / DOE
FB Photo / DOE

Sa mga gumagamit ng telebisyon, mas makakatipid umano ang paggamit ng LED TV kumpara sa LCD TV.

Huwag din umanong pabayaan ang TV na nasa standby mode dahil ito ay kumukonsumo din ng karagdagang kuryente.

Samantala, kung hindi naman maiiwasan ang paggamit ng air conditioning unit, maaari pa rin anyang makatipid sa pamamagitan ng pag-adjust sa 25 degrees sa temperature nito.

Makatutulong din ang pagtatanggal sa saksakan ng anumang appliances kapag hindi ginagamit dahil kumokonsumo pa ito ng kuryente kapag nakasaksak.

FB Photo / DOE
FB Photo / DOE

Magugunitang inanunsyo ng Meralco ang dagdag singil sa Abril habang inaprubahan din ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang dagdag singil sa kuryente nationwide mula sa buwan ng Mayo.

Samantala, idinaan naman sa Hugot Lines ng Department of Energy ang pagbibigay tips sa publiko kung paanong makatitipid sa kuryente.

Ang DOE ay naglunsad “ng #DOEhugot campaign” sa social media.

Gamit ang kanilang twitter at facebook, nagpo-post ng mga larawan ang DOE na may kaakibat na “hugot lines” na naglalaman ng informative tips sa pagtitipid sa kuryente.

Halimbawa na dito ang larawan ng isang electric fan na mayroong caption na “Huwag mo na akong paikutin pa!! Iiwan mo din ako diba?!”

Gayundin ang larawan ng refrigerator na may caption na “”PLEASE! STOP playing with Me! I’m not a karinderyang BUKAS for all.”

 

TAGS: Tips on how to conserve energy, Tips on how to conserve energy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.