Isang cabinet member lang ang nabakunahan na kontra COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo December 29, 2020 - 09:43 AM

Isang miyembro lang ng gabinete ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine mula sa China.

Ayon ito kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Sinabi ni Año na nais niyang linawin ang nauna niyang pahayag kahapon, dahil isa lamang ang miyembro ng gabinete na alam niyang naturukan ng bakuna.

Pero hindi inilahad ni Año ang pagkakakilanlan ng gabinete dahil paglabag aniya ito sa right to privacy ng opisyal.

Hindi rin tiyak si Año kung anong bakuna ang tinanggap ng Cabinet member pero binanggit na aniya ni Pangulong Duterte na Sinopharm ang itinurok sa mga nabakunahan na.

Una nang ibinunyag ni Año na may mga tauhan din ng Presidential Security Group (PSG) na tumanggap na ng bakuna.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, cabinet member, covid 19 vaccine, COVID-19, department of health, DILG, Health, IATF, Inquirer News, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, cabinet member, covid 19 vaccine, COVID-19, department of health, DILG, Health, IATF, Inquirer News, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.