41,000 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa UK

Umabot na sa lagpas 2.3 million ang kaso ng COVID-19 sa United Kingdom.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 41,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa UK.

Dahil dito, umabot na sa 2,329,730 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Wala namang updated na datos kung ilan ang total number of recoveries sa UK at kung ilan ang kanilang aktibong kaso.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 350 pang pumanaw sa UK dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 71,109 na.
 

 

Read more...