Rep. Helen Tan kay PACC Chair Greco Belgica: Common sense naman sana
Hinamon ni Quezon 4th Dist. Rep. Angeline “Helen” Tan si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na magtungo sa Gumaca at bisitahin ang umano ay maanomalyang road project na ibinibintang sa kongresista.
Hamon pa ni Tan, kung talagang seryoso si Belgica sa kampanya laban sa korapsyon, hindi ito dapat nagbabase lamang sa anonymous na sulat o sumbong.
“Now I challenge the PACC Chair Mr. Greco Belgica to come to Gumaca and visit the project, if they are serious on their campaign against corruption. Wag mag base sa sulat ng isang anonymous at tanungin ay ang DPWH hindi ako. Common sense naman po sana,” ayon kay Tan.
Paliwanag ni Tan totoong may nasirang bahagi ng Gumaca bypass road dahil sa bagyo at nang mangyari ito ay agad niyang hinigan ng paliwanag ang Department of Public Works and Highways.
Nakakagulat ayon kay Tan na sa kaniyang isisisi ang pagkasira ng kalsada gayong ang implementing agency nito ay ang DPWH.
Sinabi ni Tan na nagulat siyang pagkagising niya ay nabasa niya ang balita na kasama siya sa mga pangalang binanggit ng pangulo.
Sinabi ni Tan na sunud-sunod ang operation demolition sa kaniya at kaniyang asawa simula pa noong mga nakaraang buwan.
At malinaw aniyang ito ay political operation ng kalaban.
“We are a God-fearing person, hindi po kami gagawa ng ikakasira ng pagkatao namin. Alam ko maitatama ko ang report na ito, I am confident on that. So I will lift everything to God,” sinabi ni Tan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.