1 patay, 3 pa arestado sa sinalakay na hideout ng mga carnapper sa Malate, Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo December 29, 2020 - 08:53 AM

Patay ang isang hinihinalang carnapper makaraang maka-engkwentro ang mga pulis sa Malate, Maynila ngayong Martes (Dec. 29) ng umaga.

Kinilala ni MPD chief Police Brig. Gen. Leo Francisco ang napatay na suspek na si Ali Asgar Baraguer 32-anyos na nanlaban sa mga otoridad.

Arestado naman ang tatlo pang suspek na kinilalang sina:

1. Tojamir Baraguer, 34-anyos, Grab Driver
2. Aivan Gulam, 43-anyos, Tricycle Driver
3. Somaira Dimalao, asawa ng napaslang na si Ali.

Lahat ng apat na suspek ay tubong Cotabato City.

Ayon kay Francisco, ang apat ay nadatnan sa isang hotel sa Maynila.

Nagtago pa sa kisame ng hotel ang isa sa mga suspek kaya inabot ng halos dalawang oras ang paghalughog ng mga otoridad bago ito masukol.

Nakuha sa lugar ang dalawang sasakyan na kinarnap umano ng mga suspek.

Kabilang dito ang isang Toyota Vios at isang Ford Raptor.

May nakuha din na isang baril, hindi pa matukoy na halaga ng pera at personal na gamit ng mga suspek.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Carnapper, carnapping incident, Inquirer News, malate manila, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Carnapper, carnapping incident, Inquirer News, malate manila, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.