Pasok sa Valenzuela City Hall ngayong araw, half-day lang

Nagdeklara ng half-day work si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian para sa mga empleyado ng City Hall ngayong araw, December 29.

Ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga empleyado ng City Hall na makauwi ng maaga at mapaghandaan ang pagdiriwang ng Bagong Taon kasama ang kanilang pamilya.

Ayon sa abiso ng LGU, alas 8:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali lamang ang pasok sa City Hall.

Hindi naman sakop ng half-day work schedule ang mga nasa disaster response office.

 

 

 

Read more...