Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag

By Mary Rose Cabrales December 29, 2020 - 07:15 AM

Nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 212.61 meters alas-6:00 umaga ng Martes (December 29) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 213.23 meters.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na sa 100.95 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 100.63 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nabawasan na nasa 79.58 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 79.64 meters.

Ang water level ng Pantabangan at San Roque dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya dams.

Nagpapakawala naman ng tubig ang Angat, Ipo, Ambuklao, Binga at Magat dams.

TAGS: Angat, Binga, Caliraya., dam status, Ipo, La Mesa, Luzon Dams, Magat, pantabangan, San Roque, Angat, Binga, Caliraya., dam status, Ipo, La Mesa, Luzon Dams, Magat, pantabangan, San Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.