Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 180 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-6:50 umaga ng Martes (December 29).
May lalim na 91 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES