“No Vaccine No VFA” ni Pangulong Duterte sa US nakapagpapababa ng dignidad ng Pilipinas – Gordon

Binanatan ni Senator Richard Gordon ang bantang “No Vaccine No VFA” ni Pangulong Rodrigo Duterte sa US.

Ayon kay Gordon, hindi pwedeng isangkalan ng pamahalaan ang bakuna para sa renewal ng VFA.

Aniya, tanging national interest lamang ang dapat maging konsiderasyon sa VFA.

Ang ginawa aniyang banta ng pangulo na hindi ire-renew ang VFA kapag hindi nakakuha ng bakuna ng Pfizer ang Pilipinas ay hindi nararapat.

Nakapagpapababa din aniya ito ng dignidad ng Pilipinas ayon kay Gordon.

 

 

Read more...