Kalat naiwan matapos ang political rally sa Makati City

By Chona Yu March 30, 2016 - 07:55 AM

Kuha ni Dona Dominguez-Cargullo
Kuha ni Dona Dominguez-Cargullo

Matinding kalat ang naiwan sa pangunahing lansangan sa Makati City matapos ang malaking political rally na isinagawa ng partido ni incumbent Makati City Mayor Kid Peña.

Isinagawa ang political rally ni Peña kahapon, araw ng Martes (March 29) sa panulukan ng Vito Cruz Extension at Pasong Tamo sa Makati City.

Sa eksaktong lugar din nagsagawa ng proclamation rally ang partido ni Mayoralty Candidate Abigail Binay noong Lunes, March 28.

Pero bagaman gabi ng Martes ay natapos naman ng matiwasay ang political rally ni Peña, alas 5:00 na ng umaga ay napakarami pa ring kalat sa kalsada.

Kapwa pa naman major roads ang Pasong Tamo na dinadaanan ng mga motorista na lalabas patungo sa EDSA Magallanes at ang Vito Cruz Extension na lusutan naman patungong Maynila.

Noong Lunes, matapos ang political rally ni Binay na dinaluhan ni Vice President Jejomar Binay, kapansin-pansin na mabilis na nalinis ang mga kalat.

Pero sa obserbasyon ng mga motorista, mas nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng traffic ang political rally noong Lunes, kumpara kahapon./ Chona Yu

 

TAGS: political rally, political rally

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.