2.1M nabakunahan na ng unang dose ng COVID-19 sa US

Sinabi ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na umabot na sa 2,127,143 ang naiturok nila na unang dose ng COVID-19 vaccines.

Sa kabuuan, ayon sa US CDC 11,445,175 doses na ng bakuna ang na-distribute.

Ang datos ng bakuna na naipamahagi na at naiturok na ay pinagsamang bilang ng unang dose ng Moderna at Pfizer/BioNTech.

Ayon sa US CDC, umaabot pa din sa mahigit 100,000 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitatala kada araw.

Nakapagtatala din ng mahigit 1,000 nasasawi dahil sa sakit.

 

 

 

Read more...