Rollback sa presyo ng produktong petrolyo epektibo ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo December 29, 2020 - 05:54 AM

May rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw ng Martes, December 29.

Ito ay matapos ang anim na sunod na linggo na mayroong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

May bawas na 25 centavos sa bawat litro ng kerosene at 5 centavos naman ang bawas sa bawat litro ng diesel.

Wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.

Epektibo alas 6:00 ng umaga ang rollback ng mga kumpanyang Shell, Seaoil, Petron, Petro Gazz, PTT, Total, at Flying V.

Alas 12:01 ng madaling araw kanina ang rollback ng Chevorn.

Habang alas 8:01 naman ng umaga ang rollback ng Cleanfuel.

 

 

 

 

TAGS: BUsiness, diesel, gasoline, oil price rollback, Petron, Shell, BUsiness, diesel, gasoline, oil price rollback, Petron, Shell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.