GCQ iiral pa din sa Metro Manila at siyam pang lugar sa bansa

By Dona Dominguez-Cargullo December 29, 2020 - 05:22 AM

Manananatili ang pag-iral ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila at sa siyam pang mga lugar sa bansa.

Sa kaiyang pre-recorded speech Lunes (Dec. 28) ng gabi, inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawaig ng GCQ sa Metro Manila para sa buong buwan ng Enero.

Kabilang din sa mananatili sa GCQ ang Davao del Norte, Batangas, Isabela, Lanao del Sur, Santiago City, Iloilo City, Tacloban City, Iligan City, at Davao City.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay sasailalim sa mas magaang quarantine measures na modified GCQ.

Una nang nagbabala si Pangulong Duterte na maaring magpatupad ng mas istriktong quarantine sa sandaling mapasok ang Pilipinas ng bagong strain ng COVID-19.

Ang naturang bagong strain ay mas mabilis kumalat o makahawa.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, GCQ, general community quarantine, Health, Inquirer News, Metro Manila, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, GCQ, general community quarantine, Health, Inquirer News, Metro Manila, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.