Sa pulong sa inter-agency task force Lunes (Dec. 28) binasa ng pangulo ang listahan mula sa Presidential Anti-Corruption Commission’s (PACC) na naglalaman ng pangalan ng mga government official na sangkot sa korapsyon.
Kabilang sa binanggit ng pangulo ang sumusunod na mga kongresista:
Quezon Rep. Angelina Helen Tan
Dating Ifugao Rep. Teodoro Baguilat
Quezon City Rep. Alfred Vargas
Occidental Mindoro Rep. Josephine Sato
ACT-CIS Rep. Eric Yap
Bataan Rep. Geraldine Roman
Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal
Northern Samar Rep. Paul Daza
Ayon sa pangulo, si Tan ay sangkot sa maanomalyang proyekto ng DPWH sa Quezon Province partikular sa bagong ginawang kalsada na hindi nabuksan para sa public use subalit agad nasira nang may dumaang bagyo.
Ayon naman sa pangulo, sa pagbasa niya sa pangalan ng mga nasa listahan ay hindi naman nangangahulugang lahat sila ay guilty na sa korapsyon.
Magugunitang ang mister ni Rep. Tan na si DPWH regional director Engr. Ronnel Tan ay inireklamo ni Quezon councilor Arkie Manuel Yulde ng administratibo at kriminal dahil sa pagpapaagaw umano ng pera sa isang party na aabot sa P2 hanggang 3 million ang halaga.
Sinabi din ni Yulde na si Tan ay sangkot din sa P14 billion PhilHealth scandal.
\