Bilang ng mga Filipino sa abroad na nagpositibo sa COVID-19 nasa 12,847 na – DFA

By Mary Rose Cabrales December 29, 2020 - 04:15 AM


Nadagdagan ang bilang ng mga Filipino na nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) (Lunes, December 28), nasa 12,847 na overseas Filipinos (OFs) pa rin ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 84 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,560 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ang bilang ng mga naka-recover o na-discharge na sa ospital ay nanatili sa 8,376.

Ang bilang naman ng mga Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 ay nanatili sa 911.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na Filipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,658 na kaso.

Sumunod dito ang Asia Pacific Region na may 2,657 confirmed COVID-19 positive cases.

Nasa 1,751 naman kaso ang sa Europe at 781 sa Americas.

TAGS: coronavirus, COVID-19, DFA, Health, OF, overseas Filipino, coronavirus, COVID-19, DFA, Health, OF, overseas Filipino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.