Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 13,407

By Mary Rose Cabrales December 29, 2020 - 04:35 AM


Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Linggo, December 27), nadagdagan ng 71 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 13,407.

Sa nasabing bilang 522 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nanatili sa 504.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 14,433 na.

TAGS: coronavirus, COVID-19, Health, Rizal, coronavirus, COVID-19, Health, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.