Prayer event ng El Shaddai, iniimbestigahan ng DILG

By Jan Escosio December 29, 2020 - 12:38 AM

Inaalam na ng DILG kung nalabag ang minimum health and safety protocols sa ginanap na prayer rally ng mga miyembro ng El Shaddai sa Parañaque City noong nakaraang Sabado.

Kaugnay nito, ikinagulat naman ni retired Bishop Teodoro Bacani ang imbestigasyon.

Ang obispo ang nagsisilbing spiritual adviser ng organisasyon.

Aniya, ang kanyang alam ay palaging pinaaalahanan ang mga dumalo sa pagtitipon ang pagsuot ng mask at physical distancing.

Tiwala rin si Bacani na kahit mag-imbestiga, lalabas na walang nagkakasakit at aniya, ang naririnig pa niya ay mga kuwento ng paggaling sa sakit ng mga miyembro ng El Shaddai.

Ang pagtitipon ay tinatawag na Family Appointment with El Shaddai.

TAGS: Bishop Teodoro Bacani, DILG, El Shaddai, Family Appointment with El Shaddai, Inquirer News, minimum health and safety protocols, prayer rally, prayer rally El Shaddai, Radyo Inquirer news, Bishop Teodoro Bacani, DILG, El Shaddai, Family Appointment with El Shaddai, Inquirer News, minimum health and safety protocols, prayer rally, prayer rally El Shaddai, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.