Sen. Sotto, walang nakikitang mali sa pagbabakuna ng mga sundalo

Walang batas na nagbabawal sa pag-inom ng gamot o bakuna na hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA).

Ito ang katuwiran ni Senate President Vicente Sotto III kaugnay sa anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga sundalo nang nabakunahan ng proteksyon laban sa COVID-19.

“Last I recall, there is even no law versus suicide. So what’s the fuss?” tanong pa ng senador.

Dagdag pa niya, hindi naman ang gobyerno ang nagbayad para sa mga bakuna at aniya, sigurado siya na ang mga ito ay libre.

Pahayag naman niya sa mga bumabatikos, may karapatan silang magreklamo ayon kay Sotto kung ang mga bakuna ay binayaran gamit ang pondo pa ng bayan.

Dapat aniya sa mga nanlibre ng mga bakuna umangal at diin niya walang nalabag na batas kahit hindi pa aprubado ng FDA ang mga bakuna.

Sinabi pa nito kung kakasuhan ang mga nagpabakuna, dapat ay kasuhan din ang mga umiinom ng herbal medicines at iba pang gamot na hindi rehistrado sa FDA.

Read more...