P6.8-M halaga ng shabu, nasabat sa Zamboanga Sibugay

By Angellic Jordan December 28, 2020 - 11:26 PM

Nagkasa ang Philipine National Police Drug Enforcement Group ng drug buy-bust operation sa Zamboanga Sibugay.

Ayon kay PNP Chief, Police General Debold Sinas, tatlo ang arestado sa naturang operasyon.

Base sa ulat mula kay PDEG Director, Police Brig. Gen. Ronald Lee, sinabi ng PNP chief na pinaniniwalaang supplier ng ilegal na droga ang tatlong suspek sa Region 9 at mga probinsya sa BAR.

Nakilala ang mga suspek na sina Crimalde Irali Tarawi, 53-anyos; Albasir Nuridjam Masihul, 26-anyos; at Basir Baladji Alano, 48-anyos.

Nahuli ang mga suspek sa Purok -Santan, Barangay Lumbog sa bahagi ng Imelda, Zamboanga Sibugay bandang 2:15, Linggo ng hapon.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang isang itim na plastic Sando bag na naglalaman ng 18 piraso ng heat-sealed transparent packs na pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon, buy-bust money at iba pa.

Nai-turnover ang mga gamit sa PNP Crime Laboratory para sa examination at documentation habang ang mga suspek ay nasa ilalim ng kustodiya ng Imelda Municipal Police Station.

Kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa mga suspek.

TAGS: buy-bust operation in Zamboanga, Inquirer News, PNP chief Debold Sinas, PNP operations, PNP-DEG, Radyo Inquirer news, buy-bust operation in Zamboanga, Inquirer News, PNP chief Debold Sinas, PNP operations, PNP-DEG, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.