NCR at ilang lalawigan, mananatili sa GCQ

Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagapatupad ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Sa public address, Lunes ng gabi (December 28), inanunsiyo ng Pangulo na iiral pa rin ang GCQ hanggang January 31, 2021 sa mga sumusunod na lugar:
– National Capital Region
– Isabela
– Santiago City
– Batangas
– Iloilo City
– Tacloban City
– Lanao del Sur

– Iligan City
– Davao City
– Davao del Norte

Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay isasailalim sa modified GCQ.

Sinabi naman ni Presidential spokesman Harry Roque na epektibo ang nabanggit na quarantine classifications simula sa Biyernes, January 1.

Hinikayat naman ng Pangulo ang publiko na manatili pa rin sa loob ng kabahayan kung hindi naman kinakailangang lumabas.

Read more...