$17-M sa nakaw na $81-M, nawawala ayon kay Kim Wong

March 30, 2016 - 04:58 AM

 

Mula sa inquirer.net

Ibinunyag ni Kim Wong, na tumayong star witness sa pagdinig kahapon sa Senado, na nananatiling unaccounted o hindi pa mahanap kung nasaan ang isang bahagi ng $81 million na ninakaw sa Bangladesh Bank na ipinasok dito sa bansa.

Inamin ni Wong na nasa kaniya pa ang P40 million ng nawawalang pondo, na ngayon ay nakalagak sa mga accounts ng kaniyang junket operation sa Midas Hotel, pero sinabi naman niya na handa siyang ibalik ito sa mga otoridad.

Ito’y bukod pa sa $4.6 million na junket funds na kaniyang nahawakan na galing rin sa parehong transaksyon.

Ayon kay Wong, kung susundan lahat ng mga transaksyon kaugnay sa $81 million na ipinasok dito sa bansa, $17 million ang hindi pa rin alam kung nasaan.

Hinala ni Wong, ang nasabing halaga ng pera ay nasa Philrem Services Corp., na mariin namang itinanggi ng pamunuan nito.

Ayon sa mga opisyal ng Philrem, lahat ng dolyar na ipinapalit sa kanila sa piso ay naibigay na sa lahat ng mga dapat pagbigyan at walang natira sa kanila.

Ang nasabing $17 million na pondo ay kabilang sa $20 million na sinasabing maari pang ma-recover at maibalik sa pamahalaan ng Bangladesh.

Iminungkahi naman ni Wong na maaring makatulong ang mga casino na i-freeze ang mga pondong posibleng bahagi ng nawawalang pera, lalo’t hinihinalang wala na sa banking system ang perang ito at maaring hindi na rin sakop ng kapangyarihan ng Anti-Money Laundering Council.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.