Sa ilalim nito, aabot sa P92,820,000 ang kabuuang halagang inilaan ng lokal na pamahalaan para sa karagdagang insentibo.
“The grant of the one-time service recognition incentive for Fiscal Year 2020 not exceeding P10,000 to government employees is hereby authorized,” nakasaad sa naturang ordinansa.
Ang pondong gagamitin para sa insentibo ay magmumula sa karagdagang budget para sa Special Activities Fund – Personal Service Account galing sa Personal Service savings ng FY 2020 Annual Appropriations Ordinance.
Samantala, agad namang magiging epektibo ang Ordinance No. 8717 na kinatigan din ng City Council ng Maynila.
Ang pag-apruba sa nasabing ordinansa ay alinsunod naman sa Administrative Order No. 37 na nilagdaan ni President Rodrigo Duterte noong Disyembre 18.