Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (December 28), umabot na sa 470,650 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 22,746 o 4.8 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 766 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
80.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 10.4 porsyento ang asymptomatic; 0.44 porsyento ang moderate; 3.2 porsyento ang severe habang 6.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 15 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 9,124 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 104 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 438,780 o 93.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.