COMELEC at CSC, tutok kontra ‘electioneering’

 

Kuha ni Chona Yu

Hinihikayat ng Commission on Elections (COMELEC) at Civil Service Commission (CSC) ang publiko na magsuplong sa kanilang hanay kapag mayroong empleyado o opisyal ng gobyerno pulis o militar na sangkot sa electioneering o partisan politics.

Sa joint circular advisory on electioneering and partisan political activities ng COMELEC and CSC, bawal na gamitin ang mga sasakyan o iba pang resources ng pamahalaan sa pangangampanya.

Ayon kay CSC Chairman Alicia Bala, sinumang lalabag dito ay papatawan ng isa hanggang anim na buwang suspensyon para sa first offense at dismissal sa serbisyo para sa second offense.

Mawawalan na rin ng karapatan ang mga ito na makakuha ng benepisyo at humawak pa ng anumang government office.

Gayunman, hindi ipinagbabawal sa joint circular ang pag-like, share, repost, comment sa facebook o iba pang social media account bastat hindi nagsosolicit ng boto.

Hindi rin bawal ang magpahayag kung sinong kandidato ang kanilang susuportahan.

Saklaw din ng circular ang mga opisyal ng barangay pati na ang mga kagawad ng gobyerno na naghain ng leave of absence.

Read more...