Ilang miyembro ng gabinete, PSG at AFP nabakunahan na kontra COVID-19 ayon kay Sec. Año
Kinumpirma ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na may ilan nang miyembro ng gabinete at ilang tauhan ng Philippine Security Group (PSG) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nabakunahan na laban sa COVID-19.
Ayon kay Año, si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi pa tumatanggap ng bakuna dahil ayaw pa ng kaniyang mga duktor.
Sa isang panayam, kinumpirma ni Año na halos lahat na ng mga sundalo ang nabakunahan na.
Hindi naman tinukoy ni Año kung anong bakuna ang ginamit pero batid umano niyang wala pang bakuna sa bansa na may final approval ng Food and Drug Administration.
Sinabi ni Año na ang kaniyang pagkumpirma ay dahil nais niyang maging prangka at tapat.
Una nang umugong ang mga bali-balitang may mga miyembro ng gabinete ang naturukan na ng bakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.