Hindi tumitigil ang gobyerno sa paghahanap ng iba pang mapapagkuhanan ng bakuna laban sa COVID 19, ayon kay Senator Christopher Go.
Aniya may direktiba si Pangulong Duterte kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., na tiyakin na may mabibiling bakuna para sa mga Filipino.
Dagdag pa nito, may ilang grupo na rin mula sa pribadong sektor ang nagpahayag ng kahandaan na tumulong sa pagbili ng mga bakuna.
“Marami namang private sectors ang willing tumulong. Ang iba ay nagpirmahan na, tripartite agreement. Alam ko po marami na rin gustong tumulong para sa empleyado nila,” ayon sa namumuno sa Senate Committee on Health.
Pagtitiyak pa nito na ang bibilhing bakuna ay garantisadong ligtas para sa mga Filipino.
Unang babakunahan aniya ang lahat ng frontliners at prayoridad ang mga mahihirap, gayundin ang mga madaling mahawa ng nakakamatay na sakit.