Travel restrictions pag-uusapan ng IATF dahil sa bagong uri ng COVID-19

Posible ngayon araw ay maglalabas ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng desisyon ukol sa mga rekomendasyon kaugnay sa natuklasang bagong variant ng COVID 19.

Kabilang sa ilalabas na guidelines ay ukol sa posibleng paglimita sa mga biyahe ng mga magmumula sa mga bansa na may mga kaso na ng ‘bagong’ COVID 19.

Tatalakayin ngayon araw sa pulong ng IATF ang mga rekomendasyon ng mga eksperto hinggil sa COVID 19 variant.

Nakatutok ang DOH sa mga napa-ulat na kaso sa Hong Kong, Singapore at Australia gayundin sa South Africa.

Kabilang sa mga rekomendasyon ang ‘strict mandatory 14-day quarantine mula sa mga bansa na may kumpirmadong kaso na ng COVOD 19 variant, gayundin din ang hindi na muna pagpapapasok sa Pilipinas sa mga magmumula sa mga ‘apektadong’ bansa.

Ikinukunsidera rin ang bagong ‘risk classification’ sa mga lalawigan, highly urbanized cities (HUCs) at independent component cities (ICCs) gayundin ang pagsirit ng mga bagong kaso matapos ang Kapaskuhan.

Ngayon ay may ‘travel ban’ na mula sa United Kingdom at epektibo ito hanggang sa unang dalawang linggo ng bagong taon.

 

 

 

Read more...