Sen. Win Gatchalian: Tama na suspindihin ang planong ‘face-to-face’ classes

By Jan Escosio December 28, 2020 - 11:54 AM

Sang-ayon si Senator Sherwin Gatchalian sa desisyon ni Pangulong Duterte na kanselahin ang planong limitadong face-to-face classes sa susunod na buwan.

Katuwiran ni Gatchalian, kahit halos isang taon na ang pakikidigma ng mundo sa coronavirus, maraming bagay pa rin ukol sa nakakamatay na sakit ang hindi nalalaman.

Isa na dito aniya ang bagong COVID 19 strain na nadiskubre sa United Kingdom.

Ayon sa senador magpapatuloy sa bagong taon ang mga hamon sa mga guro at mag-aaral dahil hindi pa rin magkakaroon ng face-to-face classes.

Diin ni Gatchalian dapat ay gawin ng gobyerno ang lahat para hindi mawalan ng gana ang mga estudyante sa pag-aaral sa kabila ng pandemya.

“We have equipped DepEd with COVID-mitigating items in the 2021 budget. They should implement those items as soon as possible,” bilin din ng senador.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, face-to-face classes, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Sherwin Gatchalian, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, face-to-face classes, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Sherwin Gatchalian, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.