Paghahanap sa mga nawawalang minero sa Toledo City ipinagpatuloy ng Coast Guard ngayong araw

December 28, 2020 - 10:59 AM


Patuloy ang paghahanap sa mga nawawalang minero sa isang minahan sa Toledo City, Cebu.

Kasunod ito ng landslide na naganap sa minahan na pag-aari ng Carmen Copper Corporation na ikinasawi na ng 4 na minero.

Ngayong umaga ng Lunes (Dec. 28) ipinagpatuloy ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang search operations sa mga nawawala pang minero.

Batay na din ito sa kahilingan ni Toledo City Mayor Joie Piczon-Perales.

Nabatid na anim pang minero ang pinaghahanap matapos ang insidente.

 

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Carmen Copper Corporation, Inquirer News, landslide, mining, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, toledo city, Breaking News in the Philippines, Carmen Copper Corporation, Inquirer News, landslide, mining, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, toledo city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.