Magnitude 3.0 na lindol naitala sa Pangasinan

By Jay Dones March 30, 2016 - 04:17 AM

 

Mula sa Phivolcs

Nakaranas ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Pangasinan, kaninang hatinggabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naitala ang lindol dakong alas 12:26 ng hatinggabi, Miyerkules.

Naitala ang episentro ng lindol 11 kilometro ang layo sa hilaga-kanlurang bahagi ng Bani, Pangasinan.

Wala namang naitalang intensity ang Phivolcs na maiuugnay sa lindol.

Wala ring naitalang pinsala dulot ng pagyanig.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.