Lahat ng biyahero galing UK hindi na dapat papasukin sa bansa
Dapat nang magpatupad ng travel ban ang pamahalaan sa lahat ng biyahero na galing ng United Kingdom.
Kasunod ito ng paglaganap ng bagong variant ng COVID-19.
Sa panayam ng Radyo INQUIRER tanong ni Health Advocate, Dr. Anthony Leachon, ano pa bang transmission ang hinihintay ni Health Sec. Francisco Duque bago ipanukala ang mas mahigpit at malawak na travel ban?
Ani Leachon, mayroon nang transmission ng bagong variant sa UK at sa iba pang mga bansa.
Kailangan aniyang gayahin ang ginawa ng Japan na mabilis ang aksyon sa pagsasara ng kanilang borders.
“Ano pang transmission ang hihintayin ni Sec Duque may transmission na nga sa UK at iba pang bansa, dapat ngayon lahat ng travellers from UK hindi tatangapin,” ayon kay Leachon.
Magandang balita ayon kay Leachon ang sinabi ng BioNTech na ang kanilang bakuna ay kayang labanan ang bagong variant ng COVID-19.
Pero problema ito sa mga bansang wala pang bakuna laban sa COVID-19 gaya na lamang ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.