Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 125,000 pa; mahigit 1,000 pa ang nasawi

Umabot na sa lagpas 19.5 million ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 125,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa US.

Dahil dito, umabot na sa 19,567,007 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 11.4 million na ang gumaling sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 7.7 million pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 1,000 pang pumanaw sa US dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 341,128 na.

 

 

 

Read more...