Sa panayam ng Radyo INQUIRER, sinabi ni Health Advocate Dr. Anthony Leachon, nasa 50 hanggang 70 percent ang transmission rate ng bagong variant ng COVID-19.
At kahit less fatal aniya ito ay hindi dapat magpakakampante dahil madali itong mailipat o mabilis makahawa.
Kung nagtitipun-tipon aniya, halimbawa na lamang ay family gathering para sa holiday season ay mabilis itong kakalat.
Pinakamadali aniyang mahahawaan ang mga may edad na.
Sinabi ni Leachon na dahil wala pang bakuna sa Pilipinas laban sa COVID-19 ay pinakamabisang gawin ang pagsasara ng border ng Pilipinas sa mga bansa na mayroong bagong variant ng COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES