Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay naitala sa layong 269 kilometers southeast ng Sarangani alas 6:13 ng umaga ngayong Lunes, Dec. 28.

May lalim na 57 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

Read more...