Pelikulang ‘Fan Girl’ humakot ng parangal sa MMFF 2020
Big winner sa Metro Manila Film Festival Awards Night ang pelikulang ‘Fan Girl’.
Virtual ang isinagawang Gabi ng Parangal.
Nakuha ng ‘Fan Grl’ ang Best Picture Award, habang ang mga bida sa pelikula na sina Paulo Avelino at Charlize Dizon ay nanalo bilang best actor at best actress.
Nakuha din ng direktor ng pelikula na si Antonette Jadaone ang Best Director award.
Naiuwi din ng pelikula ang Best Screenplay, Best Sound, Best Editing, at Best Cinematography awards.
Tinalakay sa pelikula ang pagiging obsess ng isang fan sa kaniyang iniidolong artista.
Humakot din ng award ang pelikulang “Magikland” kabilang ang Best Visual Effects, Best Production Design at Best Musical Score.
Best Supporting Actress naman si Shaina Magdayao para sa pelikulang “Tagpuan”.
Habang Best Supporting Actor si Michael de Mesa para sa “Isa Pang Bahaghari”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.