Kalihim isinakripisyo ng mga inaakalang kaalyado-Wacky Leaks ni Den Macaranas

March 29, 2016 - 11:06 PM

 

den-macaranas1Malinaw na nasa panic mode na ang mga kaalyado ng Pangulo kaya lahat ay kanilang gagawin para lang maitaas ang ratings ng kanilang pambato sa eleksyon sa Mayo.

Noong ikalawang presidential debate ay naging isyu ang selective justice na umiiral sa ilalim ng Aquino administration.

Ang mga bigwigs sa Liberal Party na sangkot sa Napoles PDAF scam ay hindi kinasuhan dahil ayaw ng administrasyon na masira ang “tuwid na daan” slogan nito sa publiko.

Makailang beses lumutang ang mga pangalan ng mga LP members na sangkot sa anomalya pero hindi sila kinasuhan dahil wala daw itong basbas mula sa pinunong haciendero na nandun sa Malakanyang.

Sinabi ng ating Cricket sa LP na talagang masama ang loob ng isang cabinet member na dati ring mambabatas dahil pakiramdam niya ay sila ng kanyang pamilya ang isinakripisyo para kahit paano ay gumanda ang imahe sa publiko ng pambato ng Liberal Party.

Palibhasa’y small-time project lamang na naibigay sa isang kamag-anak ang pinag-ugatan ng kaso kaya hindi inakala ng dating mambabatas na mahahatulan siya ng basta-basta sa kasong Graft.

Pero dahil kailangang magpakitang gilas ng kanilang grupo kaya siya ang isinakripisyo.

Sinabi ng ating Cricket na may mga sugo ang LP para kausapin ang kanilang kasama na hinatulan ng anti-graft pero ito na raw mismo ang nagsabi na ayaw muna niyang makita ang mga dating kakampi.

Masama ang loob ng kalihim dahil hindi umano siya nasabihan at walang tumibre sa kanya na siya’s ididiin sa kaso para lamang patunayan na walang umiiral na selective justice sa ilalim ng Aquino administration.

Bagama’t sinasabi ng opisyal sa mga media interview na “okay lang” at walang kinalaman sa pulitika ang isyu, pero iba daw ang pakiramdam ng mga nakapaligid sa kanya.

Hindi daw maitatago sa mga mata ng opisyal ang pagkadismaya sa sinapit niya sa ilalim ng administrasyong ito dahil ngayon kang siya nahatulan ng kasong katiwalian.

Sinasamantala naman ngayon ng ilang sugo ng ibang political party ang kalungkutan ni Sir para hikayatin ito na lumipat na ng bakuran.

Ang cabinet member na isinakripisyo ng kanyang mga kasamahan sa partido ay si Sec. N….as in Naisahan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.