Presyo ng produktong petrolyo bababa ngayong linggo

Posibleng bumaba ang presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Ito ay matapos ang anim na magkakasunod na linggo na may pagtaas sa presyo ng langis.

Tinatayang nasa 10 hanggang 20 centavos ang mababawas sa presyo ng bawat litro ng diesel.

Mababawasan naman ng 30 hanggang 40 centavos ang presyo ng bawat litro ng kerosene.

Habang wala namang magiging paggalaw sa presyo ng gasolina.

 

 

 

Read more...