Mt. Kanlaon sa Negros Occidental, nagbuga ng abo

By Jay Dones March 30, 2016 - 04:16 AM

 

Mula sa FB/Canlaon Mountain Tigers Search and Rescue

Nagbuga ng abo at nagbabagang bato ang bulkang Kanlaon sa Negros Occidental ngayong gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naganap ang pagsabog dakong alas 6:20 pm.

Tumagal ang ash explosion ng 12 minuto.

Umabot din ang pluma ng abo ng hanggang 1,500 metro ang taas.

Narinig ang dagundong ng pagsabog hanggang sa Sitio Guintubdan, Bgy. Ara-al at Bgy. Yubo, sa La Carlota City sa Negros Occidental hanggang sa Bgy. Pula sa Canlaon City, Negros Oriental.

Ayon sa mga residenteng malapit sa bulkan, tanaw ang pagbulusok ng mga bato at abo mula sa tuktok ng bundok.

Gayunman, wala namang naitalang pag-agos ng lava mula sa bunganga ng bulkan sa kasalukuyan.

Ang Mt. Kanlaon ay matatagpuan sa pagitan ng Negros Occidental at Negros Oriental.

Nananatili sa Alert Level 1 sa Mt. Kanlaon.

Dahil dito, patuloy na ipinaiiral ang 4-kilometer radius Permanent Danger Zone sa paligid ng bulkan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.