Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 13,336

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Sabado, December 26), nadagdagan ng 59 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 13,336.

Sa nasabing bilang 546 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nadagdagan ng 1 kaya umabot na ito sa 504.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 14,386 na.

Read more...