Bilang ng active cases sa Mandaluyong City nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lungsod ng Mandaluyong.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Linggo, December 27, 5:30 PM), 135 ang bilang ng active cases sa lungsod kung saan 17 ang nadagdag.

Ang bilang naman ng mga gumaling na o naka-recover na ay nasa 5,565 kung saan 10 ang bagong napaulat.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nanatili sa 174.

Umabot naman na sa 5,874 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Ang bilang ng suspected cases ay 144 at walang naitalang probable.

Ayon sa Mandaluyong City Health Department ang pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng tinamaan ng virus at suspected cases ay resulta ng mas pinaigting na mass testing at contact tracing sa lungsod. Ang hakbang ay ginawa upang matukoy at agarang mabigyan ng karampatang lunas ang mga nagpositibo.

Read more...